...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Sunday, October 31, 2010

Ako na MAREKLAMO

Hindi ko alam kung mareklamo lang talaga ako or kahit papano eh may karapatan naman akong mag-reklamo. Naman kasi teh, off night na ko ngayon. Night duty na ko mamaya. Tapos kagabi almost 12AM na ko nakaalis ng unit. Buzzer beater kasi kami ng partner ko. Double table pa. Grabe as in tinulungan ko sya sa pag prep, at papers. At nauna silang matapos. Kaso nung endorsement na, biglang nag-stat CS ang isa. So yung pang night, yun na yung inuna. Nag-baby out na rin naman ako tapos yung partner ko nag-eendorse na sa RR. Nung una naasar ako kasi nga hindi na ko marereceive. Pero inintindi ko na lang. Kung ako rin naman kasi yung night iisipin ko na sana maintindihan nung outgoing na toxic ako dahil may stat. Tinapos ko na rin yung case. Ako na nag-endorse pati after care ng room at gamit. Wala naman akong reklamo dun sa ka-endorse ko. Ang reklamo ko ay dun sa partner ko. After nya mag-endorse at magligpit ng room at gamit nya, nawala na. Hindi man lang ako tinulungan kahit soli man lang ng gamit. Oo na, duty pa sya ng 6AM kaso naman hindi na naman sya uuwi. Sabi nya dun na sya matutulog. Eh yun naman pala, saglit na lang naman. Tulong na rin sa ka-partner. Sya hindi na uuwi, ako uuwi pa. At buti sana kung natulog na sya. Eh hindi, nakikipag-landian pa dun sa mga pauwi na. Grabe talaga. Samantalang pag sya, tinutulungan ko magligpit ng gamit at mag-hugas. Ako pa nag-asikaso ng baby's papers nya. Tapos kahit ano man lang tulong wala. 

Actually, napikon talaga ako ng gabing yun. Una, yung NIC ng night late nanaman. Tapos yung NIC namin parang walang pakialam. Kaasar talaga. Nakakainit ng ulo. Sarap mag-dabog. 

Eto pa, kung bakit napikon pa ko sa partner ko. Tinanong ba naman sa kin kung na-endorse ko na ba daw yung isang nasa LR pa. Gusto ko sabihing, hindi mo ba nakitang nag-papaanak ako dito? Ikaw nga dyan unang natapos tapos sa kin mo tatanong. Grrr talaga... Aantayin ko talagang maging magka-partner ult kami. Titiisin ko talaga sya. Kaasar. Hindi naman sa tumutulong ako tapos expecting help in return. Ok lang naman sa kin hindi ako tulungan kaso lang kung mga ganong panahon na, syempre kahit pano nag-eexpect na rin ako ng tulong. Ka-batch ko pa naman sya. Asar.

No comments: