...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Monday, November 01, 2010

Kelangan may mag-wala muna bago tumulong

Super nakaka-windang. First night for the shift at kamusta naman? 10PM pa lang may stat curettage na. Tapos maya-maya fully. Tapos may dadalin daw na buntis. May stat AP sa kabila na katatapos  lang at may stat IJ na ongoing. At yung isa naman, tulog! Kaya  di na ako umasa pa ng tulong. So bali tatlo ang patient ko. Syempre inuna ko yung fully kasi lalabas na ang bata anytime. Buti nag-pa SAB sila kaya di ko na inintindi ang pagse-sedate. Yun nga lang pinroblema ko ang pag-papapirma. MR daw kasi ang patient so hinanap at inantay ko pa ang nanay para makapag-induct na. Sabay dating naman ng anes at consultant ng curettage. Nainis ang anes kasi nga bakit daw mag-isa lang ako. Asan na yung iba. 

Open dito, open doon. Takbo dito, takbo doon. Ay, oo nga pala. Before pa nun, yung natutulog na staff eh nakita na akong natotoxic. Tinanong kung toxic ba daw ako. Ano ba daw meron. Sabi  ko curettage at fully. Deadma. Tuloy lang sa pagla-lakad-lakad. Hanggang sa nag-baby out at mag-iinduct na sa kabila. Syempre unahin ko yung bata. Nainis ang anes sa kabila kasi walang nag-aasikaso. Sariling sikap daw at nawawala pa ang Cutasept spray. Hanggang sa napikon na at nag-simula nang mag-taas ng boses. Nasaan na ba daw ang mga ka-duty ko. Bakit mag-isa lang ako. Pati ang mga residente nakigatong. Hindi na nakatiis sila na  nag-hanap sa mga seniors ko. Yung isa nag-hatid sa MICU kaya wala talaga. Yung isa kakatapos lang ng case at inaasikaso pa ang patient kaya hindi makatulong. At yung isang patay-malisya ang nakita nila. Kug hindi pa nag-wala ang anes, hindi niya ako pupuntahan para tulungan. Medyo sinalo naman nung isa yung curettage ko kasi wala talaga akong papers. Inasikaso ko pa kasi yung fully dahil nga late na naakyat ang admitting papers. After parehas, nag-table naman ang isa. Carry na kasi yun na lang patient ko. Kaya nga lang di ko pa naeendorse yung naunang 2 at hindi pa tapos ang papers ko. Grabe as in kakapasok ko pa lang, toxic na kaagad. Buti na lang after nung 3 yun, wala na. Ang nakakaasar lang eh ako pa sinisisi nung isa. Toxic daw ako. Gusto ko sabihing nakita mo nang toxic, patay-malisya ka pa din. Kung wala pang nag-wala hindi ka tutulong. Ang totoo, ang hirap sa mga sobrang senior, akala mo porke junior ka, bawal kang tulungan. Bahala kang matoxic dyan. Kayanin mo. Dumaan din kami dyan. Ang totoo, mga tinatamad lang. Mas gusto pang mag-scrub sa long case kesa mag-circulate sa mabilis lang matapos na case kahit na sya ang NIC. Kamusta naman? Ano ba yan, tumatakas ka sa katoxican? Eh diba NIC ka nga. Tapos kasalanan mo pa pag toxic ka. Hindi na nga sila hinihingan ng tulong hangga't kaya. Pinapabayaan na nga sila matulog dyan tapos ang dami pang reklamo. Adik lang.

No comments: