Haha... Road trip to Tagaytay para kumain, mag-picture at mag-pakain ng sandamakmak na Koi. Enjoy naman kaso hindi ko super na-enjoy kasi nga "SL" kunwari yung akin. Syempre nung una iniisip ko kung pano ako tatawag para mag-inform sa unit at sa coor. At kung sino ang magsstraight duty ng dahil sa kin.
Nag-dadalawang isip talaga akong sumama kasi nga "SL". Magsisinungaling ka na, may mapapastraight, tatawag ka pa, magpapa-check up ka pa... Kaya lang super kinukulit talaga ako ng isang tao at ang nakakaasar pa eh kinikilig ako. hahaha... Ang kulit kasi talaga - sa text pati fb. Hindi lang naman sya ang dahilan kung bakit gusto kong sumama. Una kasi amusement park dapat. Gusto kong pumunta dun kasi hindi ko na maalala kung kelan ako huling pumunta dun or kung nakapunta na nga ba ako dun. Hahaha... Tska kasama din kasi yung isang friend ko na super nammiss ko na rin.
Ang ginawa ko, medyo humingi ako ng signs. Una, pag 6 lang ang staff sa hapon kasama ako, hindi na ko pupunta. Pero kung 7 or more, sasama ako. Tapos kung uulan sa umaga, hindi na rin ako sasama. Sayang lang ang road trip at pamamasyal kung uulan. Ang nangyari, 7 ang staff kasama ako at super umaraw ng morning kaya ayun, go na ang loka. Hahaha. Actually nung una naisip ko na baka mas mabuti pa na mag-straight na lang ako ng 2/10 para at least wala na kong pasok kinabukasan. Puyat nga lang ako pag -gala. At grabe, twice dumating ang opportunity. Absent kasi yung DR. At kung on call ako, straight na ko. Tapos sunod naman, yung NIC eh super late. Tinanong ako ng 2nd in-line kung gusto ko ba daw mag-straight para kasing mas gusto nya na medyo senior ang night kesa junior. Pero dumating din naman ang NIC. At ayun, dahil nga super araw kanina, go na talaga ako. Na-late nga lang ako sa meeting place dahil traffic. hehe...
Tumawag ako sa unit habang nasa washroom ng Leslie's. Grabe planado ko talaga ang lahat. Nag-load ako ng 300 para may pangtawag ako. Before pa nun, yesterday, kinuha ko na lahat ng telephone numbers na kelangan ko - unit, hospital, operator. Tapos ayun, ok naman. Nakapag-paalam ako. Pero syempre medyo guilty pa rin kasi nga baka may mag-straight. Naglolokohan pa nga kami kung sino ang magsstraight. Pede kasing yung isang ka-batch namin na medyo kabarkada nila.
Anyways, after kumain, Picnic Grove. Picture kung picture. Kung san pwedeng mag-pose, pose! Nag-punta nga lang ata kami dun para magkaron ng bagong profile pic. haha. Dapat ppunta pa kami ng EK kaya lang medyo napagod na kami kakalakad dun sa Eco Trail kaya nag-Nuvali na lang kami. Strabucks, tapos nag-feed ng Koi. Grabe ang daming Koi. Pag nag-laglag ka ng feeds, super nagkaka-gulo sila na nakakadiri ng tingnan. Pero enjoy silang panoorin. Ang sarap titigan lang. Tapos pictures pa ulit at mga failed na jump shots. Hahaha. Di kasi namin ma-timingan ang pag-talon. Naka timer kasi ang cam at 5 shots.
Enjoy naman kaya nga lang ako hindi super kasi ilegal ako. Hehe... Sana may next time pa. At sana hindi na ko "sick leave". LoLz.
No comments:
Post a Comment