...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Tuesday, October 12, 2010

Bakit mabenta ang yelo!?



Super kanina. Surgery day pero nakikisabay ang mga  buntis. Hindi ako DR (buti na lang :P) pero syempre dahil maaga natapos ang case ko, tumulong na ako dun. About my case muna... First time MICU. Syempre sino ba naman ang hindi matatakot sa MICU? Toxic na, baka mag-code pa. Tracheostomy pa naman yun. Buti na lang hindi ganun ka-toxic yung patient. Natoxic lang ako nung una kasi biglang nag-pasign ng consent sa relative para magkaron ng anes. Buti na lang hindi toxic ang mga tao kaya medyo madaming tumulong. At hindi rin bad mood ang NIC namin. Pero nag-aalala talaga ako nun. As in, inaantay ko na, anytime, may sasabihin or mapupuna at mapapagalitan ako. Haha... pero buti na lang, wala. Thank you po. Hehe... Problema ko lang papers. Kasi mabilis lang yung  case at hindi pwedeng tutukan ang papers kasi nga tracheostomy yun. Kaya sa MICU na ko nag-ayos at nag-tapos ng papers. After nun, dapat tutulong na ko sa DR, kaya lang nag-mamakaawa yung pang-rounds. Nakahanda  na kasi. Alangan namang dedmahin ko. Malamang mapapagalitan na  talaga ako nun. So nag-rounds muna ako. May tumulong naman.

Tapos after maibalik ang lahat, diretso DR. Tumulong mag-admit, mag-bigay ng gamot at mag-monitor. Maya-maya, tumawag ang chief res ng OB, hinahanap ang AAOD... nagpapahiwatig. Ayun, may CS from ER. Nakiusap ang OB sa outgoing na AAOD na baka pedeng gawin yun. Pumayag naman. Ako scrub. May service na nka-table sa kabila na for NSD na super ingay. Tapos sa isa pang room, pelvic lap. Natapos ang pelvic lap, closing na ang CS namin, naka-table pa rin ang kawawang buntis. Sakit na sakit na. Maya-maya pa, sabi ng mga residente, CS na. Takbo ulit ang mga tao, kuha ng gamit, prepare. Hindi pa kami tapos inaayos na yung kabila. Pero dahil kelangan ng umuwi ng outgoing na anes, yung duty na ang pinaki-usapan. Sumingit ang OB, nagalit ang surgery. Wala naman kasing laban ang surgery. Dalawang buhay ang nakataya. Nainis lang ang surgery kasi nga may consultant sila tapos na-delay sila dahil nga may sumisingit. Akala namin tapos na. Nag-ring ang phone at ayun... CS daw ulit from ER. Nakakaloka. Takbo, kuha ng gamit, prepare. Akala ko nung una ako ang mag-ccirculate. Kasi ang dami pang admission ng DR. Yun pala ako ang scrub. Eh di sige. tumawag na ng consultant na anes para makisuyong tumulong. Buti pumayag. 

Grabe talaga ang araw na to. Muntik na mapuno ang LR sa dami ng buntis. At hindi lang basta-basta buntis. Puro naka MgSO4 at 24 hour urine. Pati VS, Q1. Ewan ko kung anong meron bakit sabay-sabay sila. Kaya mabenta ang yelo nung araw na yun. Lahat na sila na ka Mags... urine at VS monitoring. Ano bang pinag-gagawa ng mga buntis na yun at nag-taasan ang mga BP?

Medyo late na kami natapos kasi ang dami pa ngang inen-dorse. Eto pa natawa ako. Ang daming baby's papers. 4 na Kelly ang nakuha ko sa bagong NSU. Ako na kumuha kasi hindi pa tapos ang 2 sa mga papers nila. Tapos nun, kumain kaming 3. 3 na lang kami kasi nauna na yung iba. Nainip kaya hindi na nakahintay at umuwi na pag-katapos kumain. Grabe talaga yun.
Habang kumakain, tawanan at kwentuhan ng kung anu-ano... mga issue at reklamo sa buhay. Haha...

No comments: