...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Tuesday, October 05, 2010

The worst-tempered people I've ever met were people who knew they were wrong. ~Wilson Mizner

During our monthly meeting for the month of October, I witnessed something which I thought at first would be all right. But as it progressed, I felt that it was too much. Meron kasing nag-reklamo about somebody. At first we were laughing. Kaya lang sumagot yung tinamaan kaya ayun, sunud-sunod na tuloy ang banat. Lalo na yung isa na sobrang galit na galit kala mo naman super laki ng kasalanan. Akala mo naman hindi sya nag-kakamali at nakakalimot. Kaso lang sumagot pa rin kaya ayun, halos napag-tulungan. Akala ko nung una ayos lang at least malalaman nya na mali sya. Kaya lang sumobra yung kaaway nya. Sobrang galit, kung matanda lang yun, baka inatake na sa puso. Grabe. Naawa tuloy ako sa kanya. Alam kong nag-kamali rin kasi siya dahil sumagot pa sya. Kaya lang sobra din naman yung pangalawang nag-reklamo. Kelangan ba talaga ganun bumanat? Sobrang life and death situation ba yung nangyari at kelangan ganun sya mag-taray? Feeling ko tuloy ang nangyari, since parang napag-kakaisahan na yung bata, nilubus-lubos na niya. Para muka syang bida. Gets mo? Pwede naman kasing kalmado. Ewan ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa way ng pananalita nya pati ugali nya. Hindi ko naman sinasabing may attitude sya. Pero kasi, iba talaga. Hindi lang kami makaalma kasi marami rin syang kakampi.  

Hindi lang ako ang nakakapansin na ganun sya. Pati yung isa kong girl na friend. (I only have two good friends there right now - a girl and a boy. Sila yung lagi kong nakkwentuhan ng mga bagay-bagay.) Magkaka-batch kami, bakit kelangan mag-toxican? Tapos ayaw nya ng tinotoxic sya. Kahit sya yung mali, sya yung naiinis. Like the other day, I told her super nicely na wag ng sulatan ng ganun. Pero ok na yun for now, next time na lang. Sabi ba naman, ah ganun ba, sige pasulatan na lang ulit... sabay kuha nung papel. Sabi ko, wag na ok na yan, basta next time na lang. She said, ndi baka makita pa, ulitin mo na lang.  Sa isip-isip ko, kaya sinabi ko na ok na yun, para hindi na nya ulitin. Kaso ang nangyari, ako pa pala ang pauulitin nya. Kung ako yun, dahil ako nag-sulat, ako nag-kamali, ako ang uulit. Hindi naman sa tinatamad akong ulitin. Para lang kasi hindi sya ma-offend or something. Kaya lang, sya pa nainis.  At sa huli, ako na rin ang nag-ulit.

And then the other day, meron nanaman syang napansin. Hindi naman super big deal. Kasi  nagawa ko na rin yun dati. Ang alam ko medyo ok naman na pumirma kahit sino kahit hindi sya yung gumawa basta sya yung nag-explain or something lalo na pag emergency na. Ewan ko ba kung naghahanap lang ba talaga sya ng mali, oc-oc, o nagbibida-bidahan. Ayun, umulit pa tuloy ng consent. At sa huli, kami din ng partner ko ang nag-paulit kahit na hindi kami ang nag-pagawa nun.

Ano ba, masyado lang ba talaga akong mareklamo? Ewan....


No comments: