...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Saturday, October 23, 2010

There was no end to them. They come and go...come and go.

Haha ang drama. Ang totoo teh, I was talking about pregnant moms who kept on coming and going in and out of the Labor Room yesterday until the end of my shift, which by the way, consisted of 16 tiring hours. Yep, I've been admitting and discharging laboring moms and those who have just delivered for the whole shift. Luckily, on my first 8 hours, I had a partner. We had 2 Cesarean section deliveries and 2 NSD's. What's worse is that those NSD's were both service patients! Luckily, again, someone helped us in sedating  the patients so me and my partner were able to focus on attending to the babies and finishing our papers. And seriously, as we discharge our patients, the phone would ring and the other person on the line would tell us that they would be sending a patient over. 

I was able to attend to another service delivery but then I still have 3 other laboring patients na nanganganib na ring mag-table. Buti na lang pay yung 2. Yung isa, service at akala ko sa kin pa manganganak kasi may bronchial asthma daw. About dun sa patient na may asthma, hindi ko alam kung pagod na nga lang ba talaga ako or napipikon na ako kaya medyo wala na akong pakialam. Ang lakas ng loob kong mag-insert ng IV. As in nag-insert ako without having second thoughts. Sabi ko, bahala na. As in nagulat ako kasi ang lakas talaga ng loob ko. Parang walang pakialam kung ma-in ko or hindi. Luckily, na-in ko! Madugo nga lang. LoL. Anyway, pina-back to room din yung patient kaya lang may table nga ako kaya hindi ako yung nag-hatid. Tapos syempre may 2 pang pay sa LR kaya hindi rin ako makapag-focus masyado dun sa NSD. 

Mangungulit ang residente, dadating ang anes, mag-oorder, at kung anu-ano pa. Mag-isa lang ako kasi may case sa kabila. Ok na rin at least na kaya ko ng walang tulong, except sa paghahatid. Eh kasi naman, hindi naman talaga ako makalabas. 

Grabe talaga. Eto pa, hindi rin ako masyadong matahimik kahit pay na yung 2 natira kasi ba naman G4 at G5 na 5 at 6cms. Nanganganib mag double table samantalang hindi pa ko nakaka-recover dun sa service ko. Buti na lang yung isa, malayo yung consultant kaya hindi pa nila pinapakealaman - wala pang sinto at xspas. Yung isa, medyo mabagal ang progress kaya inabot pa ng umaga. Kahit wala na akong napaanak, hindi pa rin nga ako matahimik kasi maya't-maya nagri-ring ang phone. Tapos ER pa. Ibig sabihin, may patient ang OB sa baba. 

Fortunately, as in luckily, mga 6:30 tapos na ang endorsement nung nag-decide mag-CS ang isa. Buti na lang talaga. Eh mga 4am andun na yung consultant. Buti medyo nag-hintay pa sila. Kung hindi, sakin pa bumagsak. Ok lang sana kaya lang ibig sabihin nun, yung NIC ang scrub ko kung pede nga yun, at ang maiiwan na lang na makakakilos eh yung RR na busy din sa kabila kaya wala na talagang tutulong sa kin pagn nagka-toxican. May habit pa naman sa DR na kapag toxic, nag-sasabay-sabay. Tulad na nga lang kanina. Nung nag-decide mag CS, nag-eendorse pa lang ako nun. Tapos nag-ring ang phone at nagsabi na may dadaling patient. Tapos nag-ring ulit at may dadalin pa daw ulit. Tapos nang-totoxic ang isang residente na maghanda na daw ng pang-epid dahil pag dating nga patient eh epid kaagad. Ang sarap sagutin kasi magcCS nga yung anes, syempre unahin nya yun. Adik talaga. 

Actually, madaling araw pa lang, naririnig ko na yung about dun sa 2 patient na yun. May admission nga daw si Dr. ganyan at ganon. Buti na lang hindi sa kin pumasok kasi nga mukang malapit ng manganak kasi nagmamadali na siland pa-epid. Mga adik talaga.

Haaaayyyst. Sakit ng paa ko. Hindi ako masyadong naka-upo. Balik-balik sa CSR, LR at DR. Buti mabait NIC namin. Sya nag-hatid ng mga back to room ko at nag-sundo ng mga cases sa AM. After everything, kinaya naman. Ok na rin. Nanghihinayang lang ako, kasi last night, nag-kayayaan uminom ang mga ka-batch ko. He invited me kaya nga lang straight ako. Gusto ko sana sumama. Hindi lang para uminom, para na rin maki-bonding. Haha... 

Anyways... Pero natuwa talaga ako nung nag-insert ako ng IV. Haha...

No comments: