Three words. Three simple words that I almost missed. Waaahhh. He posted it on my wall yesterdat night but I was only able to read it after 23 hours. Actually, he only said "i miss you!! =c" pero grabe ang effect sa kin. Umasa ba daw? Wala lang. Kasi naman bakit biglang nagpo-post ng ganun sa wall ko? Actually I saw him kanina. Dumaan kasi sya sa OR. Tapos sakto andun ako sa may info may tinatawagang ward para mag-inform na may ihahatid at susunduin. Katabi ko pa nga si Dr. Lopez eh haha. Wala lang. Buti na lang hindi ako DR. Kasi kung DR ako malamang wala ako dun. Sayang nga lang kasi nung mga oras na yun hindi ko pa nababasa yung message nya. Grabe na-miss ko din sya. Nilapitan nya ako sa may info para mangulit. Tinanggal yung bonnet at tali ng buhok ko. Kaya lang hindi ako makapag-kulitan sa kanya kanina kasi nga tumatawag ako nun sa phone tapos umalis na rin sya agad. Ang nasabi ko lang nung paalis na sya, miss you ***, b-bye. Natawa sya tuloy kasi dire-diretso daw yung pagkakasabi ko - miss you, bbye. Haha... Hindi ko pa sya natingnan mabuti kasi nga busy ako sa phone. lolz. Pero ok na din. Floater kasi ako nun tapos nakikigulo sa DR dahil tapos na ang maaga kong case na ortho. Haha... Buti na lang good mood si Dr. Bernardo. Anyway, pag di ko sya nakikita ok lang. Pero pag nakita ko na sya ulit... ayun. patay... May gustong bumalik. Siguro kung mag-kakasama ulit kami ng matagal babalik talaga. Tapos mare-realize ko na hindi pa pala ako over him. Lolz...
Baka naman nami-miss ko lang sya talaga. Kaya lang nung nabasa ko yung post nya tapos may sad face, grabe ang impact. Ang mga pinag-hirapan kong itago at kalimutan, gustong bumalik. Ang sweet kasi diba? Out of the blue biglang magppost ng ganun. Eto naman ako si feelingera gustong umasa. Haha...adik. baliw. Sana makasama ko ulit sya minsan ng matagal-tagal. Kain or kwentuhan or tambay. Ang loser ko talaga. Hahaha....
No comments:
Post a Comment