Ayan. Ang una kong sick leave. Haha. Kala ko kanina hindi pa dadating si Dr. A. Ang tagal kasi. Nakalagay sa pinto 1:00-5:00 kaso halos 3 na ng dumating. Buti na lang nag-antay ako sa may pintuan. Kasi dapat last pa ako, eh since nawawala pa nga yung iba, inuna na ako. Hahaha. Hindi na ko masyadong na guilty kasi wala naman daw nag-straight. Nung patapos na lang daw kasi ang pm shift nagka-toxican. Tapos nalaman ko na may nag 2/10. Absent pa rin kasi yung isang staff. Naisip ko tuloy, kaya pala ako natuloy sa Tagaytay ay para hindi ako ma-straight at hindi matoxic sa DR. Haha. Ako kasi on-call kaya malamang ako ang straight dapat nun. Hindi ko naman masyadong naffeel na kasalanan ko kasi hindi ko nanaman talaga kasalanan yun... medyo lang. Kasi hindi naman ako yung parang ni-relievan nya. Hindi naman ako yung absent ng night shift. Tapos nalaman ko na toxic nga daw sila. Tapos eto pa, may umakyat na fully at pumutok sa kanila ang BOW. As in napaliguan sila ng amniotic fluid ng buntis... buti sana kung tubig lang. May hepa daw ang patient. Hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat ang maffeel ko. Gusto kong mag-thank you dahil hindi ako yun. Parang buti na lang sumama ako sa Tagaytay. Gust ko syang sabihin kaya lang parang may mali. Anyway, thank you po kasi hindi ako yun. Kitams. Parang may mali talaga. Parang ang bad ko. Yaan mo na. Hindi ko naman ginusto yung nangyari. Kahit na hindi ko kasalanan na straight sya, partially, parang may fault din ako. hehe... Anywayz... buti na lang talaga hindi ganun ka-strict yung Dr. At hindi na ko hinanapan ng abstract from ER. Tapos nakapag-pareseta pa ko ng vitamins.
Pinag-sisisihan ko na rin naman ang pagsisinungaling ko. Ayaw kong sabihin na hindi ko na uulitin kasi baka kainin ko lang. Pero as much as possible ayaw ko nang maulit.
At dahil dyan, wala akong book hanggang matapos ang buwan. Wala rin akong Korean drama until the end of the month for some reasons. At nagsisimula na akong mainip. Hahaha...
Haaysst. Gusto ko nang ma-upload yung pics. Kaya lang masyado pang maaga. Baka mabuko. Pero gusto ko na talaga. Kinikilig ako. Lolz...
No comments:
Post a Comment