Money to buy books...
And more time to read all those books.
At last, I was able to buy Torment by Lauren Kate. I am so excited to read it but I want to finish Phoenix, the last book in the Beautiful Dead series first. Grabe gusto kong tumira sa National at bumili nang bumili ng libro. Nung una hindi ko nakita yung Torment. Ang nakita ko yung Phoenix kaya kinuha ko agad. Tapos I also saw Clockwork Angel yung first book sa Infernal Devices series ni Cassandra Clare. Dapat yun na yung bibilin ko along with Phoenix. Kaya lang when I went to the Customer Service to ask for Torment, meron pa pala silang isang natitira. Akala ko wala pa sila. Yun pala wala na. Since nag-iisa na lang, I bought it na lang instead of Clockwork. Grabe super nanghihinayang ako sa dun sa Clockwork. Gusto ko din kasi yun. Pero sana kasi mabasa ko muna yung Mortal Instruments para mas masaya. Pero alam ko hindi naman talaga sya parang kelangan. Tapos gusto ko din ng Hunger Games. Tska yung Immortal Series ni Alysson Noel. I really need more time. Kelangan ko nang matapos yung Phoenix para Torment na. Kasi malapit na rin lumabas yung Cresendo, yung kasunod naman ng Hush, Hush.
Ang problema kasi, gusto ko din manood ng mga series. Napapasabay kasi. Like now, I'm watching Playful Kiss and King of Baking, Kim Tak Goo. Yung PK ongoing pa kaya ok lang kahit medyo ma-delay ang panonood. Yung Kim Tak Goo, tapos na yun tapos 30 episodes kaya kelangan manood nang manood. Ewan ko ba kung bakit bigla kong naisip manood nun. Kasi mataas ang rating sa Korea tsaka ang pogi ni Tak Goo. Haha... Kamukha nya si Lee Jun Ki. Yun pala yung pumalit sa Cinderella's Sister. Tapos may isa pa akong gustong panoorin. Yung Fugitive Plan B. Si Rain naman dun tapos action. Muka kasing maganda. Tapos may inaabangan pa ako yung Athena: Goddess of War, yung spin-off ng Iris. Grabe na toh. Sana matapos ko lahat yan. Hahaha...
Hindi ko naman talaga ganun ka-problema yung money. Kasi may sweldo na naman ako tska wala naman akong ibang ginagastusan. Mas masaya lang pag madami kasi hindi ka mang-hihinayang bumili ng bumili kahit hardbound. Tska ayoko rin naman kasi ng gastos nang gastos. Baka pag kelangan ko na wala. Tska problema nga kasi talaga yung oras. May pambili nga, wala namang oras mag-basa. Anong gagawin ko. display na lang? Titingnan ko na lang sila sa shelf? Hahaha...
No comments:
Post a Comment