Lol. I'm just tired. Very tired. Suguro nga medyo ganyan yung naffeel ko. Pero ang totoo, I feel tired for the past few days... physically. Nakakapagod talaga etong mga nakaraang duty days ko. Lagi na lang may nirereceive at stat. Ok lang sana paisa-isa at medyo maikli para makapag-stay din ako sa kabila. Kaso ang nangyayari puro matatagal. Pero kahit papano medyo natututo naman ako sa kabila. Kasi may times din naman na andun ako kahit saglit lang. Grabe talaga, toxic kung toxic. Pag natapos ang isa, may kasunod pa.
Tapos wala pa akong masyadong outlet. Pano, wala pa rin kaming net. Kaya nga ngayon lang ulit ako nakapag-blog. Pinilit ko na nga lang ngayon kahit usb lang ang net ko. Kasi naman August na po. I need to write. Natatambak na rin ang mga panonoorin at babasahin ko online. Hindi na ko makapag-FB. Wala na rin akong pera pambili ng libro. Actually meron naman, pero kasi nag-iipon din naman ako. Pag lahat ng YA books ay binasa ko, wala ng matitira sa ATM ko. Pero grabe. Sobrang boredom ko, I was able to read 4 Percy Jackson books. Halos lahat, kinakain ko in one day. Kung hindi lang hardcover ang book 5, eh di natapos ko na yun. Siguro after book 5 na lang ako magbblog about dun. Sana lumabas na sya.
Sa sobrang boredom din, natapos ko na ang season 6 ng Lost which is also the last one. Dati talaga tamad na tamad ako manoood nyan. Gusto ko sya kaya lang parang nakakaantok na. Kasi minsan magulo, tapos mapapaisip ka kung ano ba talaga yun. Sa dulo ka lang talaga kasi ma-eenlighten. Ayun... natapos ko din. At isang baldeng luha ang nawala sa kin. Pati energy, kasi super iyak talaga. Buti na lang na download ko lahat before nawalan ng net. Greys, House at Heroes naman ang next pag nagawa na net namin.
At sa sobrang naubos na talaga ang mga gagawin ko, inulit ko nanaman ang Princess Hours. Yun nga lang hanggang episode 6 lang kasi yun lang na download ko. Grabe as in hindi talaga ako nag-sasawa. I really, really love JJH and YEH. Super crush at mahal ko pa rin si JJH kahit na naging pasaway sya. Gusto ko na namang panoorin ang buong series. Kelangang madownload ko silang lahat. Super love ko talaga ang Princess Hours. Yung You're Beautiful love ko din pero namimili ako ng episode na papanoorin ulit. Gusto ko sanang ulitin ulit kaya lang bigla akong nakakaisip ng ibang gagawin. Hanggang sa mamimili na lang ako ng scenes/part. Favorite ko kasi yung mga concert nila, Fly me to the moon, tska yung ending. Pero grabe yung Princess Hours, walang pili-pili. Nood lang ng nood kahit medyo alam ko na yung kasunod. Naa-associate ko kasi yung dress ni YEH dun sa mangyayari. Yung tipong pag ganun yung damit nya, alam ko na na malungkot yung susunod or masaya or kung ano nga bang mangyayari, kung may nakakakilig ba or nakakainis yung susunod. Kasi love ko yung mga damit nya. Isa kasi yung sa mga inaabangan ko. Haaaayyyssst.
Yung quote above, nag-iinarte lang talaga ako. Naiisip ko yan pero ang main reason why I'm blogging is kasi nakakapagod talaga ang mga nakaraang araw. Kaya wag masyadong damdamin. Pero can relate talaga ako. Ngayon kasi hindi ko nanaman yan masyadong iniisip. Kasi nga nadidisappoint lang ako. Wala kasi talaga. Kelan kaya noh? Pwede bang before ako magbirthday? Hahaha... birthday wish?
No comments:
Post a Comment