...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Thursday, August 12, 2010

I really love Grey's Anatomy's season finales


Yup, it was only yesterday that I was finally able to finish Grey's Anatomy Season 6. What can I say? I really, really love their finales. There is always something big sa dulo at hanging sya. Parang super exciting kasi ng mga buhay ospital nila. At grabe, eto na ata yung season na super nag-paiyak sa kin. Ang dami kong episode na iniyakan. As in, yesterday, before I went to work, super iyak ako. Pinilit ko kasi tapusin kahapon bago ako umalis. Buti hindi namaga yung mata ko. lol. At ngayong season ko lang na realize how I really love Meredith and Derek together. Patrick Dempsey is hot. Haha... Looking forward for the next season. 



Currently watching House. Ganun pa rin naman yung flow ng stories nila. Pero kasi naaaliw ako sa kanila. Minsan kasi kahit pano may matututunan ka rin. Medyo matatagalan pa bago ko to matapos kasi from the start of ako ng season 6. Tapos Heroes naman. I'm also trying to watch Kuroshitsuji II at Fairy Tail kaya lang ang bagal ng streaming. 

Haaayyst. Kamusta naman ang body clock ko? Sana matapos na tong night duties ko. So far ok naman. Ok lang naman talagang may  manganak. Basta private at NSD. haha... At sana hindi buzzer beater. Kanina muntik nanaman. Buti medyo matagal-tagal pa bago nag fully. Kakaasar kasi ang tagal ng endorsement. 6am Andun na silang lahat, nag-chichikahan lang. Eh kung nag eendorsan na eh di maaga sana akong naka-endorse. Tsaka nag nakakaasar sa buzzer beater, pagod ka na, inaantok tapos kelangan mo pang tapusin yun kahit na dapat hindi na ikaw yun. Buti sana kung AM duty. Pag PM kasi tsaka Night, nakakaasar. Pag PM, gusto mo na umuwi kasi gabi na, nakakaantok na. Pag night naman, super inaantok ka na. Ang nakaasar pa pag night ka, pag inantok ka pag-uwi, kelangan ng itulog agad. Pag pinilit pa, mahirap na makatulog at sasakit ang ulo. Pag nagising ka na tapos kulang pa angtulog, inaantok pero hindi ka na makatulog. Tapos sasakit nanaman ang ulo. Ay nako...



Sinasamantala ko na ang panonood kasi I'm off bukas. Meaning hindi ako papasok ngayong gabi. Bukas na ulit ng gabi. Kahit inaantok ako, go lang. Madami pa akong gustong gawin sa harap ng laptop - manood ng anime/k-drama/series, mag-basa ng mangga/manhwa, mag-download ng games at mag-laro. So little time. Gusto ko na rin kasi bumili ng bagong book. Pag natapos ko hanggang Heroes, bibili na ulit ako. Tska medyo kasi nag-iipon ako. Kaya super pinipigil ko bumili. Tska pag  nag-basa ako, hindi ko nanaman matatapos yung mga pinapanood ko. Aabutan na ko ng next season. At matatambakan ng episodes. 

Makanood na nga lang ulit.

No comments: