What a day! Grabe as in naiisip ko talaga kanina "what else could go wrong?" Parang lahat na ng tao kanina DR. Buti na lang talaga puro mababait yung mga ka-duty ko. Hindi yung pababayaan ka na lang. Buti na lang hindi nakisabay ang surgery kanina. Kinilabutan talaga ako dun sa twins na SB. Mas kinilabutan pa ako nung nag-code. Ang galing talaga nila. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Stay ba ako sa LR na puro orders na o tutulong ako sa kanila na nag-kakagulo na dun at mukang pampasikip lang ako. Worst straight duty ako! Kaya sa kin rin lahat bumagsak yung punong LR! Yung 2 kinatatakutan kong seniors, kaduty ko pareho. Yung isa PM, isa Night. Medyo nag-prepare na ko sa worst dahil nga binigla naman ako sa DR at naaligaga ako. Pero ayun, sila pa yung super tulong. Siguro medyo pinag-bigyan ako kasi ako nga yung pinakakulelat sa lahat ng DR dahil madalas scrub ako sa kabila. Pero alam ko next time, hindi na ako pag-bibigyan. Hehe... Natuwa talaga ako sa kanilang lahat. Kasi super tulong pati yung isa na hindi ko ineexpect. As in. Kelangan ko talagang galingan sa susunod. Kasi kaya ko naman kung pa-isa-isa. Wag muna ganon kabigla kasi nga nagsisimula pa ako.
Tapos habang pauwi ako, naalala ko yung dinasal ko bago ako pumasok. "Please, po kahit ano wag lang nila akong mapagalitan." Ayun, ang kahit ano. In fairness hindi naman ako napagalitan. When I was completing my charts, narealize ko, hindi pa ako umuupo. Night na rin ako nakakain. At grabe hindi ako inaantok. Siguro medyo adrenaline na rin. After nun, nafi-feel ko talaga na my feet were aching. Sana hindi na maulit ang mga ganung pangyayari.
No comments:
Post a Comment