...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Wednesday, September 08, 2010

Scrubbing days are over...

Technically, not really sooo over. Yun nga lang, hindi na everyday as in everyday unlike before. New probationary staffs were already hired so somehow sila na. So, dun na ako sa DR for I don't know how long. So expect laboring moms, babies being born, TAHBSO, pelvic laps, annoying residents... whew. Last week, I went for a 16-hours duty. Grabe walang tigil. TAHRSO, CS, nahaluan ng hernio sa kabila, tapos CS ulit at NSD... The other day, pelvic lap lang and TAHBSO, no laboring moms. Kaya lang yesterday was unbelievable. Akala ko hindi ko mararanasan yun. After scrubbing in for a pelvic lap, 2 ang nag-table. Hindi lang yun, may stat CS from ER na hindi maiakyat dahil walang gamit. Nasira kasi ang autoclave machine, pero nagawan naman ng paraan. Pero grabe, preparing the instruments pa lang, nakakapagod na dahil sa paghahanap at pangungulit. So, bali 3 na ang naka-table. Eh may D&C pa na nasa kabila na. Kaya my partner was on the other side at ako ang naiwan sa DR. Ayun, prep ko yung 3 naka-table. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. 3 Bata ang hinihintay kong lumabas. Sabi ko, bahala na ang papers. Importante unahin ko yung baby - ID band at footprint. Mas mahirap kasi pag hinuli yun. Buti na lang sinalo ng isang senior ko yung CS. Tapos maya-maya natapos na rin yung D&C kaya yung partner ko na dun sa isang NSD. May dumating kaming LR pero buti hindi sya toxic. Ikot kung ikot ang pwet. Grabe talaga. Feeling ko, kaya ko yun kung 2 NSD lang na parehong pay at may anes. Kaso may CS pa nga at yung isang pay walang anes. So hindi ko na talaga alam. Super toxic ng araw na yun dahil nga nakisabay pa ang pagkasira ng autoclave. Grabe. Buti may students. At least hindi ko na piroblema ang paghuhugas. Grabe talaga yun. Sana hindi na maulit. Pwede bang mag-scrub na lang ako palagi? Kahit super long cases pa yan. Haha... Ano naman kayang meron bukas? Sana kalmado.

No comments: