...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Saturday, September 25, 2010

Foodtrip, Laughtrip and a Guilty conscience

Foodtrip...

Syempre, after ng bonggang breakfast ng AM shift where we ate and ran, hindi nagpatalo ang PM shift. Kung mukang fiesta ang AM, mukang birthday party naman ang PM shift. Medyo may naabutan pang food sa PM kaya nakakain pa ako ng macaroons. Pero muka talagang birthday nung buo pa yung mga food nila. Haha, I saw the pictures kasi. We also brought food for our night shift pero hindi ganun ka-bongga kasi naman 5 lang kaming kakain. Kaya mukang super midnight snack lang. Haha... We had pancit, Andok's chicken, custard cake, tokwa't baboy at Rocky Road ice cream! Buti na lang walang patient... boarders lang sa LR. Actually nag-karon din ng isang 6cm at isang fully na super magkasunod inakyat pero ok lang. Kasi nga super help ang mga tao. Feeling ko nga parang hindi ako DR. Taga-gawa lang ng papers. Haha... Super thankful ako sa mga ka-duty ko.

Laughtrip...

We bought kasi yung next issue nung censored na newspaper. Katuwaan lang. Kaya lang nakalimutan dalin kaya na-disappoint kami. Haha... Joke lang. Super kulit kasi ng mga ka-duty ko lalo na yung isa. As in super kulit. Parang lahat na lang nagiging joke at katatawanan kahit seryoso na. Kaya ayun super laughtrip kami. Medyo natakot nga ako kasi super tawa talaga. Eh diba may tendency ako na after super tawa eh super lungkot naman or may hindi masayang mangyayari, like last-minute ka-toxican or something. Pero buti naman hindi ganun ka-toxic yung mga dumating kahit may fully. Grabe hanggang pag-uwi namin, habang nag-lalakad kami, tawa pa rin kami ng tawa. I will surely miss yung mga ka-duty kong yun. Super kulit kasama lalo na yung isang naka-pink. Haha... Dati kaya parang ayaw ko sa kanya nung nalipat sya sa min kasi parang astig-astig kumilos. Pero ngayon super like ko na sya. Ang kulit kasi, Laughtrip talaga ang mga kwentuhan.

Guilty Conscience...

We talked kasi again a while ago about sa mga pangyayari sa loob. Feeling nya daw kasi may mga staff na mainit ang dugo sa kanya. And then she was justifying kung bakit minsan eh pag may case sya, she doesn't go out of the room. Syempre I felt guilty kasi pag nagka-alaman talaga, bagsak ako nito. Sa'kin sya nag-kkwento tapos pag nagka-prankahan, malalaman nya na pati ako pala ay may sinasabi at nakiki-join sa mga kwentuhan. Actually wala na rin akong sinasabi ngayon. Tumatahamik na lang ako. Kung may sinasabi man ako, eh hindi lang about sa kanya. Diba lagi akong may kinekwentuhan ng mga reklamo ko sa buhay? Madalas kasi ngayon pag kasama ko kumain yung mga ka-duty ko sa AM or PM at wala sya, napapadalas na medyo napagkkwentuhan sya. Ang pagkakatanda ko eh, hindi na ko nakikidag-dag. Nakikinig na lang ako. Pero pag eto talaga nagka-labasan, patay talaga ako. Alam kong super mahhurt sya. She would feel betrayed. kaya nga hindi na ko nakikisali. Nakikinig na lang ako para kahit paano eh mabawasan ang kasalanan ko sa kanya.

No comments: