...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Friday, September 24, 2010

How many cuts before I learn? LoL...

Once again, I was injured while breaking an ampule. Ang nakakaasar pa, nasugatan na rin ako around last week at the side of my thumb. Ngayon, doon ulit, Grabe ang lalim. Ang tagal dumugo. I had to tape it with a micropore tape para lang mag-stop ang bleeding. Hindi na rin kasi kinaya ng band-aid kasi super bleed talaga. Kita mo talaga na hati sya pati yung laman sa loob. Haaasyyst. Pero mas malala yung dati kasi toxic nun at maraming ginawa - sulat, sulat at sulat, break ng ampule, bigay ng gamot, scrub. Straight pa ko non... kaya ilang beses nag-reopen. Hahaha... tama naman yung way ng pagbukas ko. Siguro nasobrahan lang sa force kaya yung broken top eh medyo napadikit sa daliri ko kaya nahiwa. Nakakatakot talaga. Pwede nang tahiin. LoL. 

About sa night duty ko naman. Ok lang. May 2 lang na nanganak. Magkasunod pero ok lang kasi tulong din yung mga seniors ko sa after care. Tapos may isang LR pero andun lang, nakahiga kasama ang mga residente. Sabi nga ng isang senior ko, ginamit ka lang nila. Haha... eh kasi around 6AM pina-back to room. So parang pinag-stay lang nila yung patient para makapag-stay lang din sila sa LR at makatulog. 

Anyway, so bago kami nag-kaantukan, laugh trip muna. Meron kasing newspaper na naiwan. Eh medyo censored yung newspaper. Actually hindi naman talaga super x-rated. May pag-kabastos lang. We read it hanggang antukin kami. Haha... Laugh trip kasi nakakatawa yung mga story ng mga taong sumusulat. Para kasing ewan. Mag-sulat ba naman about sa sexual life nila. Nakakatawa pa yung mga title. And kasi masaya din yung mga ka-duty ko. Ang kukulit. 

Tapos nung morning, madaming food na dinala yung AM shift. Syempre, nakikain kami ng breakfast. Haha... Inantay pa talaga namin dumating lahat para makakain. Hindi ko alam kung gutom lang ako nun pero ang sarap kumain. Parang hindi naman ako talaga nagugutom nun. Siguro masaya lang kasi kumain pag marami kayo at magugulo pa. Hehe...

No comments: