...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Saturday, November 06, 2010

Starting to UNLIKE them...

Mr. and Mrs. A. Sa lahat ng ka-partners, sila yung ayaw ko. Ok naman talaga silang ka-partner - tumutulong naman pag may case kaso lang pag tapos na ang duty or hindi pa nagsstart, bahala ka na. Kaya mo na yan. I believe   I was already able to blog about Mr. A, yung sa Ako na Mareklamo. Pero kay Mrs. A hindi pa. Ngayun pa lang. Kasi nagtitimpi lang ako dahil kung sa tulong, tulong naman. Kaso lang, this morning, naasar ako. At pangalawa na yan.

Kay Mrs. A muna tayo. Yung first time na naasar ako eh nung partner kami ng PM. May service delivery kasi. Syempre junior, kaya ako nag-handle. Ang tagal at natapos sya eh past 10 na. Ang nakakaasar pa eh super late ang NIC kaya hindi nakapag-endorse agad. Kaya ayun, imbis na iendorse ko sa partner kong straight eh  ako pa ang nag-hatid at 11pm na! Sana man lang eh konting konsiderasyon. Oo nga straight sya. Pero ako naman, off duty na at 11pm na. Sobrang lampas na ng 10. Super gusto ko na rin umuwi. Akala ko maiisip nya sya na lang mag-hahatid kasi tutal naman eh straight sya at isa lang ang LR. Dinadaan talaga sa seniority. Grabe na nga ako mag-tanong at mag-parinig - ok lang ba mag-hatid ng naka-blue; nakakaasar si Sir NIC kasi naman 11pm na; tapos super tinawag ko sya ng sunod-sunod para makuha na yung baby. Siguro na feel nya na nairita na rin ako pero deadma lang sya. Nakakaasar...grrr. 

Yun yung first kay Mrs. A. Pangalawa eh yun ngang kaninang umaga, about na to pareho kay Mr. and Mrs. A. 6:30 na ako nakapag-endorse. May 6:45 akong due na ANST. Syempre inabutan ako habang nag-eendorse kay Mr. and Mrs. A. Sabi ko, ipapa-read ko na lang po. Pina-read ko. Negative. Tapos ba naman, ako pa nag-bigay! Ok lang naman kasi sa kin nag-due at ako nag-pa read. Kaya lang inexpect ko na sana eh may nag-kusa na sila na lang ang mag-bigay kasi almost 7am na nanaman. At hindi ko naman kasalanan na late ang endorsement. Grabe, nakita nilang nagdi-dilute ako hindi man lang nag-offer na sila na mag-bigay. Nakaasar talaga. Kasi kung ako yun, ako na mag-bibigay at magpapa-read. Tutal andun lang naman yung residente  buti kung maghahanap pa. Grabe talaga. Tapos sinusundan lang ako ni Mr. A. May tinanong nga sya tapos tinalikuran ko lang at sinagot ko ng pataray. Kaso manhid ata. Buti sana kung toxic sila. Eh yun lang naman. 

Masyado lang ba talaga akong mareklamo at expectant at tamad? Hindi naman katamaran yun diba? Hindi naman ako tinatamad. Gusto ko lang makauwi ng maaga. Iba kasi talaga pag night ka. Ok lang naman kung AM or PM. Pero pag night ka kasi, antok ka na at super gusto mo ng umuwi buti sana kung natulog lang ako mag-damag. Naman, 7am na kaya. Wala naman silang ginagawa. Bwiset. Alam kong maliit lang naman na bagay yun. Kaso iba talaga. Siguro asar lang talaga ako sa kanila.

Naalala ko tuloy nung isang beses. After ng endorsement, may tumawag na fully. Syempre kahit pano,  tinulungan ko pa rin yung mga incoming kumuha ng gamit at mag-open. Pero ang ginawa nila, pinaaalis na nila ako. Umuwi na daw ako. Kaya na daw nila yun. Siguro kung sila Mr. and Mrs. A yun, patatapusin pa nila akong mag-open.

Bahala na nga sila. Mahirap naman kasi mang-away at mag-taray. Parang lahat kakalabanin mo kahit ikaw yung na-agrabyado. Wala naman akong magagawa kasy Mrs. A kasi senior yun. Kaya looking forward na lang akong maka-partner si Mr. A. Tingnan talaga natin. 

No comments: