talk like everything is perfect; act like it is all a dream; and pretend it is not hurting me.
I feel sleepy but I need to blog to let this out. Okay, before reacting violently, I'm not falling again. I AM NOT. It's just that I'm quite hurt because it feels like he doesn't care anymore. I know there's nothing, but we are friends right? Kahit na nagmamadali sya ano ba naman yung dumaan saglit or sumilip man lang at magsabi na una na sya? Oo na, nagawa ko na rin yan kasi umiiwas ako. Pero ngayon, tinatama ko na nga diba? I'm trying not to avoid anymore. Pero sya, bakit ganun? Kung umarte kasi sya parang hindi kami magkakilala. Nakakaasar lang kasi. Ok fine, ako na maarte... ako na parang tanga... ako na uhm... cannot describe. Pero naman... Hindi ba uso sa kanya yung linyang una na ko alis. Sige na, wala na akong karapatan... siguro nga nag-iinarte lang ako. Maybe I was just expecting too much. Minsan kasi parang gusto ko, kung paano ako sa iba, ganun din sila sa kin especially sa mga friends ko. Ako na selfish. Hindi na ko nasanay. Kelan nga ba nag-simula yan? Dati naman kasi iniintay ako... tinutulungan... nagsasabi naman sya pag aalis na sya. Fine, baka nga meron pa... pero hindi eh. Wala na talaga. Nagtatampo lang talaga siguro ako. Actually naisip ko, kung yung isa kong friend ang gumawa non, masasaktan din naman ako. Kaya nga kanina ilang beses kong inulit na hintayin nya ko. Ayan tuloy, nabigla ako kanina. Nasabi ko tuloy dun sa isa kong friend na ganun yung nangyayari. Kaso medyo problemado ngayon yun, siguro hindi nya na maaalala pa yun noh?
Anyway, we watched Eclipse yesterday. Oo na, kinain ko na yung sinabi ko na hindi ako manonood ng kahit anong Twilight sa sine. Eh kasi naman na-miss kong gumala sa hapon tsaka gusto kong sumama sa kanila gumala. Ayon, katakot-takot na tuksuhan. Alam mo, sana medyo matangkad na lang sya at gwapo. Haha... grabe talaga. Lagi na lang may mali. About naman sa movie, hindi ko masyado maalala lahat ng nasa book, pero syempre super condensed yung nasa movie. Ang landi talaga ni Bella. Bigay nya na lang kaya sa kin si Jacob no? Hehe... Napansin ko, parang gumgwapo si Edward. Dati kasi ayaw ko talaga sa kanya. Pangit kaya ng itsura nya dati. Super putla. Tapos kakatuwa kasi tahimik ng mga tao. Except for some side comments. Tapos natawa ako kasi may mga moment na sabay-sabay ang reaction ng mga tao - yung pag kinikilig, naaasar, natatawa. Funniest line - Jacob: I am hotter than you. Kasi diba malamig si Edward, tapos mainit si Jacob. tapos syempre double meaning. hehe... Tapos super kilig - Edward: I promise to love you every moment of forever. Kaasar to the highest level - Bella (to Jacob) : Kiss me. May favorite scene din ako sa movie. Basta yung scene na pinakita yung Cullens habang inaantay yung mga rogue vampires. Ang astig kasi. Kaso di ko mahanap yung pic. Wala pa. In fairness, maganda sya. Kahit na super kinakaila ko ang Twilight series, parang nagugustuhan ko na rin sya. Pero ayaw ko pa ring makisabay sa vampire mania. May mga addict din palang nanood. Grabe as in naka costume sila. Hehe...
Haayysstt. I need to sleep na. Duty pa tomorrow.
No comments:
Post a Comment