...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Wednesday, May 26, 2010

We always ignore the ones who adore us, and adore the ones who ignore us


I'm going to blog today mostly in Tagalog so that I would be able to express myself freely. I really, really need an outlet right now. I'm supposed to write Hate... Hate... Hate... instead of that damn sad quote above. But I realized I wasn't just feeling the hate. I'm also very sad for what I am doing to myself. Here goes...

Hindi ko alam kung matutuwa ako kanina dahil nagkita na ulit kami. Di ba nga tinitimpla ko pa. Neutral ako kanina na medyo umaasa. Bakit ba kasi may mga taong paasa? Hindi lang naman yung taong gusto mo and pedeng mag-paasa. Kanina... hinulaan ako ni kuya. Binasa nya yung kamay ko at sinabing kuripot daw ako... madami pa daw akong pag-dadaanan... matampuhin daw ako. Here's the catch - There is someone who likes me, na nagpapalipad- hangin. Nagpaparamdam. Nahihiya lang daw umamin. Issue... Sabi ni kuya, friend ko daw na medyo gusto ko din daw. Yung tipong pag-umamin, mapapaisip daw ako. Eh sino kaya yun? Leche. Syempre sya yung unang pumasok sa isip ko. Kinikilig tuloy ako. Bwisit. Nakakaasar talaga ang mga paasa. Sabi ko pa hindi ako matampuhin. Pero kanina nagtatampo talaga ako. Kasi naman. Hindi man lang nag-sabi na uuwi na sya. Kahit man lang silip wala. Leche. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba. Gusto ko pakitang nagtatampo ako pero parang di ko kaya. Kasi baka sabihin naman ang arte ko. Kasi naman... Tapos sobrang naiisip ko talaga yun kaya naaasar ako sa sarili ko. Nalulungkot tuloy ako.  Kasi lagi na lang bigla-bigla umaalis. Hindi man lang nag-sasabi. Hindi naman kelangan mag-paalam. Wala lang. Kasi di ba, medyo close kayo at sabay kayo lagi dati umuwi pati kumain. Tapos ngayon parang lumalayo.  Kaasar. Tapos naisip ko, pano kung yung isa pala yung tinutukoy at hindi sya? Paano kung yung isa pala ang nagpapalipad-hangin? Sana hindi... ayoko. Kasi feeling ko talaga wala. Friend lang talaga ang turing ko sa kanya. At ayokong mangyari yun kasi mahihirapan lang ako. Dahil nga ayaw ko talaga. Hindi naman sa as in ayaw ko sa kanya. May mga tao lang talaga na sa umpisa pa lang, no na talaga. Hindi pwede. Hanggang friends lang. At hindi ko alam kung pano hindi ako makakasakit pag dumating ang pagkakataong ayaw kong mangyari... T_T

Bakit ba kasi ganito? Napaka-feelingera ko talaga. haha... Ang fitting-fitting nung quote... Lagi na lang. Lagi na lang talaga. I need to stop before it's too late. Ayaw kong dumating yung time na super kelangan ko na talagang tumigil dahil feelingera lang pala talaga ako. Hindi na nga nasagot yung dati ko pang tanong since 3rd year college, tapos eto nanaman. I'm asking the same question regarding a different person.

1 comment:

Unknown said...

Hi hi nice to meet you my name is kaori and im from colombia Im new in blogspot and I dont know how I follow you cuz I like your blog ...well i send you a big hug =)