Ayoko na. Ano nang gagawain ko? Seryoso na ang mga tao. Grabe na ang panunukso. Pati sya, pinamimigay ako. Naaasar na tuloy ako. Naiilang na din ako. Kanina nga halos hindi ko tiningnan yung isa. Ayoko lang kasi ng may umaasa. Feeling ko kasi pag katulad pa din ng dati, baka mag-karoon ng meaning. Baka akalain eh ok lang. Kaso hindi. Hindi talaga ok. Ang arte ko diba? Isa pa yan. Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react at sasagot. Baka kasi sabihin ng mg tao ang arte ko at ang choosey ko. Kala mo kagandahan. Eh pano kung ayaw ko nga? Wala nga eh. Kung makapag-salita ako kala mo sigurado na ngang meron. Pero kasi feeling ko parang magkakaroon. Pano kung totoo yung sinasabi nila? Na dun na papunta? Ayan tuloy. Hindi ko namamalayan na I'm already applying my old tactic on rejecting someone. Yung tipong dahil ayaw ko sa kanya at ayaw ko syang harapin, hindi ko na patatagalin pa. Medyo tatarayan at hindi papansinin. Hanggang makahalata, mag-sawa at ma turn-off. Haha. Ang feelingera ko ba? Kasi naman. Let's see kung ano mangyayari sa mga susunod na araw. Mag-ka duty na kasi kami.
Eto na ang malanding part. A senior of mine brought up again yung about dun sa tatlong lalaki. Tapos nag-kataon na andun din sya. Habang tinatanong ko kung sino ba yung isa, tumatawa sya tapos medyo tumitingin sa kanya. Kaso deadma naman yung isa kaya ewan ko talaga. Malandi at feelingera lang talaga siguro ako. Tapos after ma receive na kami pareho, hindi pa nya tinanggal kagad yung gloves nya. Paasar nya akong niyakap kasi nga naka gloves pa sya na may dugu-dugo. Tapos sabi ng senior ko, "wag kayong mag-PDA dito, nakikita ng mga pasyente," habang nakangiti. Yung pang-asar nyang ngiti. Normally, kikiligin dapat ako. Kaya nga lang kasi pinapamigay nya ako dun sa isa. Kaya mas naaasar tuloy ako. Mukang hindi nanaman masasagot talaga ang tanong ko. O baka naman nasagot na, ayaw ko lang tanggapin na feelingera lang talaga ako. Hahaha...
No comments:
Post a Comment