Paano? Eh kasi naman, meron akong nalaman. Hindi sa hindi nya ko gusto. Hindi rin dahil may girlfriend na sya or may nililigawan syang iba. Mas malala pa. Sa umpisa pa lang pala, wala na akong pag-asa. Walang kwenta pala ang pagiging feelingera ko... Sayang lang ang pag-iisip ko. Naisip ko na yun dati pero I dismissed the idea. May mga nag-hihinala pero hindi ko pinansin. Pero ngayon, hindi pwedeng hindi ko na pansinin. Kasi parang totoo na nga yata. Yup hindi pa naman talaga ako sure pero konti na lang parang yun na nga yun. Baka nga he's a bi. Yup, bisexual. I refuse to use the word gay kasi I don't think he is gay/bading/bakla. Bi lang. Yung katulad ng karamihang yaoi sa anime. Super lalaki kumilos pati itsura pero ang gusto eh lalaki din pala. And I love those kind of yaoi. Anyway, dati iniisip ko metrosexual lang. Minsan yun pa rin ang gusto kong isipin. Pero baka hindi ko matapos and DABDA pag pinag-pilitan kong super vain lang talaga sya at mahilig pumorma.
Haaysst. eto na ang kwento ko. Meron akong isa pang friend. At yun ang karibal ko... este yung isa pang mukang bi din. Close kami noon, actually hanggang ngayon. Super mahilig syang mag-tweet ng about sa love nya na mukang one-sided. Hindi ko naman tinatanong kung sino. Syempre friend ko kaya hindi ko pina-iisipan ng masama. Tae makapag-lagay nga ng codename. Yung friend na tinutukoy ko nung una ay si Touya. Tapos yung isa si Yukito. Tapos may isang hahabol si Kero. Hahaha... Si Kero yung bestfriend ko sa unit. Eh di ganto... Dati ko na ring pinag-hihinalaan sila Yukito at Touya. Pero friend ko kaya deadma lang. Tapos lately nga dahil sa mga post ni Yukito, nagcomment sa kin si Kero. Gusto nya daw itanong kay Yukito kung si Touya ba daw ang tinutukoy nya. Ako naman I defended them both. Sabi ko pano mo naman naisip na sila? Halata naman daw. Kasi nung birthday daw ni Yukito, may gift si Touya at mukang kumain pa daw sila sa labas. Patay. Yun na. Napapaisip na ko. Tapos nung trainee days pa daw namin, nakikita nya daw na nagttext si Yukito ng sorry kay Touya. Kasi madalas silang mag-kasagutan noon. Front lang pala nila yun.Tapos si Touya meron pang isang friend si Nakuru na pinag-hihinalaan din sila. Tropa kasi sila. Tapos feeling nga daw nya may something between Touya and Yukito. Hahaha...
Pag naiisip ko yan tska yung mga previous posts ko, natatawa ako. May pa feelinge-feelingera pa akong nalalaman, ka-landian, pain or chuva, tska yung one-person-one-post-churva, tapos wala naman pala talaga akong pag-asa. Haha... Loser...
Kaasar. Sa kabila ng lahat eh parang kahit paano eh umaasa pa rin ako. Pero pilit ko na ngang kinakalimutan bago pa ko tuluyang mabaliw pag na-confirm ko na ang lahat. Hay nako. Bakit ba lapitin ako sa mga ganyang kaibigan? Eto pa, lahat ng mga pangalan nila eh nag-sisimula sa iisang letra. Hindi ko na sasabihin kung ano. Malas ata ako sa letrang yun... Tawa na lang ako.