
This morning, dapat kikiligin ako dahil nga nadagdagan nanaman ang mga clue kung sino ang 3rd guy. Kaso na over power ata nung mga nanunukso, kaya naasar na lang ako. Ganun pa rin, inaaasar nila ako dun sa isa. Lalo na sya. Ganito kasi, may sinabi syang hindi ko naintindihan, basta ang narinig ko lang na word ay 'pagmamahal' or something. Tapos sabi nung senior ko na laging tumutukso sa kin, 'ayan may nagpaparinig sa 'yo.' Before pa nun, may sinabi na sya na pinag-aawayan na daw ako. Hindi ko alam kung tama ang pagkaka-interpret ko dun. Parang halos sabihin na nya sa 'kin kung sino yung 3rd guy kaso ayaw kong maniwala. Parang mahirap paniwalaan. Ayaw ko nang masyadong ungkatin kasi baka mag-expect nanaman ako at mag-feeling. Pero hindi ko matiis. Yun na kasi ang sagot sa tanong ko. Naisip ko, next time na banggitin nya ulit yun medyo magtatanong ako, yung hindi halata. Para lang matahimik ako.
No comments:
Post a Comment