...


There's no such thing as "one and only chance"; life always gives you another chance...
but how long before another chance comes along?

- The Winner Stands Alone (Paulo Coelho)

Shelfari: Book reviews on your book blog

Thursday, December 23, 2010

Sabi ko na, bawal ako mag-straight

Grabe, na-sampolan ako dahil medyo kababalik ko lang galing VL. Stat CS, TAHBSO at Pelvic Lap. Sa partner ko yung CS akin yung PL pati TAHBSO dapat. Kaya lang grabe yung nangyari sa PL. Nag-code kami, nag CPR, nag-bigay ng 10 Epi, BT, Gelofusine, CVP... Grabe, 2nd time ko na yun makakita pero tulala pa rin ako. Siguro kasi hindi ko alam kung anong role ba dapat ang i-assume ko. Nung una, pag-akyat nya, super ok pa sya. Hindi pa ganun ka-toxic ang itsura nya aside from mababang BP. At dahil 10 years pa ang blood, nag-tiis sa Gelofusine. Nag-unstable kaya nag-intubate. Hanggang sa nag-patawag na nga Medicine. Pero syempre tuloy pa rin ang operasyon. Evacuate ng clots, suction ng dugo. Hanggang  sa tuluyan nang bumagsak ang BP. Ayun, hindi na namin nahabol and blood kahit na pinu-push na. Hypovolemic shock and nangyari. Sabi nila siguro may heart problem din ang  patient kasi hindi kinaya ang pag-brady at pagbagsak ng BP kaya baka daw Cardiogenic na rin.

Grabe ang mga papel. Kalat-kalat sa station. Hindi ko alam kung pano uumpisahan. Buti na lang may 2 tumulong sakin. Natapos ko rin kasi straight ako. Kaya ayaw ko talaga ng straight. Ang toxic kasi. Sa una kahit toxic, may partner ka naman. Tapos pag dating ng gabi, salo mo pa rin lahat tapos mag-isa ka na. Pag-pray mo na lang na sana maayos ang mga kasama mo para medyo matulungan ka kahit paano.

No comments: